Dear Si,
Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo para sa'kin. Hindi naman ako mang-huhula 'noh. Pero parang ganun nga yung pinapakita mo. Sinasabi rin eh. Obvious ka kasi. Deretsyahan pa mag-salita. Pero hindi ko alam kung pinag-lalaruan mo lang ako.. Masakit kasi 'yon. Nangako pa naman ako sa sarili ko na hindi na ako mag-papaloko sa mga lalaki at hindi na ako mag papadala sa inyo pero ano 'to? Ano nanaman 'tong nararamdaman ko? Bakit mo pa kasi kailangan gawin 'yong mga ganung bagay? May gusto ka ba sa'kin? Pero kahit may gusto ka, hindi pu-puwede. Although, age doesn't matter... at kung anong estado sa buhay. Pero I guess hindi talaga puwede. Mahihirapan tayo. Hahah. Ako lang pala. Madali pa naman akong mainip. Hay. Pero sana dumating yung oras na umamin ka. Sana handa yung isip ko sa mga sasagot sa'yo. Sa ngayon, hindi mo na ako pupunta dyan. Haha. Papa-miss muna. Ano kayang mararamdan mo 'nun?
Love, BiancaJey
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento